» Pang-unang Pahina » Ang Poligamya sa Islam

Ang Poligamya sa Islam

Ang pag-aasawa ng isang lalaki ng higit sa isang asawa (poligamya) sa isang pagkakataon ay kaugalian na makaluma kahalintulad ng kasaysayan ng tao at ito’y pinahihintulutan sa batas ng Islam. Kaakibat nito, ang poligamya ay kilalang kilala sa mga makalumang tao ng Hebrew, Ehipto, Griyego, Persiya, Asyrian, Hapon, Hindu, Ruso at Alemanya.

Ang lahat ng mga nakaraang ipinahayag na relihiyon ay kinaugalian at tinanggap ang poligamya. Ang Makaluma at Makabagong Testamento ay nasa pangunahing listahan ng mga Banal na Aklat na nagbigay ng pagsang-ayon at siyang kinagawian.

Marami sa mga Propeta ng Allah, bago ang Propeta Mohammad (r), ang nag-asawa ng higit sa isa. Si Propeta Abraham (u) ay nagkaroon ng dalawang asawa; si Propeta Jacob (u) ay nagkaroon ng 4 na asawa; at si Propeta David(u) ay may 99 na asawa. Si Propeta Solomon (u) ay may 700 na asawa na pawang mga babaeng may dignidad at walang pananagutan at 300 iba pang asawa na mga babaeng alipin. Wala sa batas ni Propeta Moises (u) na nagtakda at nagbigay ng pagsang-ayon sa tiyak na bilang kung ilang asawang babae ang nararapat para sa isang lalaki. Ang tagapagtipon ng Talmud, na nakatira sa kapaligiran ng Herusalem, ay nagpatibay ng kasunduan kung ilan ang magiging asawa ng lalaki, at ang ibang iskolar ng mga Hudyo ay nagbigay ng pahintulot para sa pangalawang asawa at higit pa kung ang unang asawa ay permanenteng may karamdaman o kaya ay baog. Ngunit ang ilang pantas na Hudyo ay hindi nagbigay ng pahintulot kailan man sa pag-aasawa ng higit sa isa ang lalaki.

Sa Bagong Testamento ng Bibliya, si Hesus (u) ay nahirang upang ganapin ang mga Batas na dala ni Moises (u) at hindi tayo makakakita ng isang salita sa Bibliya tungkol sa pagbabawal para sa maramihang pag-aasawa.

Ang pagbabawal ng pag-aasawa ng marami sa Kristiyanismo ay lumitaw lamang dahil sa bunga ng pagbibigay ng batas ng Simbahang Kristiyanismo, at hindi mula sa orihinal na turo ng Kristiyanismo.

Dahil sa katuwirang ito, marami tayong natuklasang mga Kristiyano na huwaran na nag-asawa ng marami. Ang Hari ng Irish, Ditharmet, ay isang halimbawa ng may dalawang asawa. Si Haring Frederic II ay may dalawang asawa batay sa pahintulot ng simbahan. Samakatuwid, ang pagbabawal ay nasa kapahintulutan ng mga pari sa simbahan, at hindi batay sa pangkalahatang pagkilala sa orihinal na turo ng batas ni Hesu Kristo (u). Si Martin Luther, ang paring Aleman, na siyang unang nagtatag sa sekta na Protestante, ay nagbigay pahintulot sa maramihang pag-aasawa at siya mismo ang nagpanukala nito sa maraming okasyon.

Ang poligamya ay nakilala sa mga tribu ng Arabong pagano bago dumating ang Islam pero walang limitasyon ang bilang ng pag-aasawa, katulad ng ibang kaso ng mga Propeta na nakasaad sa itaas. Sa pagdating ng Islam, ang Islamikong Batas ay nagpahintulot sa poligamya subalit ang isang lalaki ay nilimitahan hanggang sa apat (4) na asawa lamang at may mga partikular na alituntunin ang namamahala sa mga pag-aasawang ito. May mga maraming halimbawa ang nakasaad sa orihinal na tradisyon na kung saan ang Sugo ng Allah (r) ay humiling sa mga may asawa ng higit pa sa apat, nang sila ay tumanggap ng Islam, na pumili ng apat at hiwalayan ang iba ng may karangalan.

Ang Allah (U), Ang Pinakamapagbigay, ay nagsabi:

"At kung kayo ay nangngamba na hindi kayo makagaganap na maging makatarungan sa mga babaeng ulila, kaya’t kayo ay mag-asawa ng ibang babae na inyong mapusuan, (mula sa) dalawa o tatlo o apat, datapwa't kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makaganap na maging makatarungan (sa kanila), kung gayon ay mag-asawa lamang ng isa kung ano ang ankin ng inyong kanang kamay (mga aliping babae). Ito ay higit na ankop sa inyo upang kayo ay hindi mabulid sa kawalang katarungan.

" (Qur'an 4:3)

Kaya’t nakita natin ang mahigpit na hustisya at pantay na pakikitungo, at umiiwas sa anumang hindi makatarungan at mga maling gawain laban sa mga asawang babae. Ito ay itinakda bilang kondisyon para sa mga taong humihiling na magkaroon ng higit sa isang asawang babae.

Ang Sugo ng Allah (r) ay nagbabala laban sa gawi ng may kinikilingan na nagsabi:

“Siya na mayroong dalawang asawang babae at hindi pinakitunguan ng makatarungan, siya ay tatayo sa Araw ng Pagkabuhay Muli na ang kanyang kalahating bahagi ng katawan ay (paralisado) nahuhulog.

” (Abu Da`wood, Tirmidhi, Nisa`e, Ibn Majah atbp. at napatotohanan)

Ang katarungan at walang kinikilingan ay tumutukoy sa mga material na bagay katulad ng mga gastusin, pantay na paghahati ng kayamanan, mga regalo, oras, atbp. Tungkol naman sa mga bagay-bagay na pang emosyon, katulad ng pagmamahal at pagnanasa ng puso para sa isang asawa na nakakahigit sa isa, ito ay likas na ang lalaki ay walang kapangyarihan na pigilan ang saloobin ng kanyang puso at damdamin, dahil ang mga ito’y natural at hindi kinukusa. Si ‘Aishah (t) ang ina ng mga mananampalataya at asawa ng Propeta (r) ay nagsabi, ang Propeta ng Allah (r) ay namamahagi ng lahat ng bagay sa kanyang mga asawa ng walang kinikilingan, ngunit sa kabila noon, siya ay nagsasabi:

"O Allah! Ito ang pamamahagi ng aking mga pag-aari, O Allah! Huwag Ninyo akong sisihin sa mga taglay Mo na wala ako. (halimbawa; ang emosyon ng puso).

" (Abu Dawood, Tirmidhi atbp.)

Ang isang lalaki na hindi kayang sumuporta (ng isa pang asawa) ay hindi dapat humanap ng isa pang mapapakasalan, dahil hindi niya kayang punan o gampanan ang pangunahing pangangailangan nito. Siya na nakatitiyak at siguradong hindi kaya ang pang pinansiyal na pangsuporta ng isa pang asawa at isa pang pamilya, ay hindi papayagan na humanap ng iba pang kasal, katulad ng isang binata na naghahnap ng kasal ay dapat magsikap para kumita upang magkaroon ng kakayahang sustentuhan ang kanyang magiging asawa at ang mga anak sa kinabukasan. Ang Dakilang Allah ay nagsabi, at ito ay naaangkop sa pangkalahatang alituntunin.

“At yaong walang kakayahang pananalapi upang mag-asawa ay hayaang panatilihin ang kanilang dangal, hanggang sila ay pagyamanin ng Allah mula sa Kanyang Biyaya”.

(Qur’an 24:33)

Tingnan natin ang mga ibang kondisyon na nangyari sa mga tao sa ibang lipunan, at suriin kung ang poligamya ay mabuting solusyon para sa mga suliranin na nangyayari at kung ang kaugaliang poligamya ay nakakabuti o nakakasama para sa mga babae. Ang mga sumusunod na puntos ay magpapatunay na ang ang pag-aasawa ng isa (monogamya) sa maraming kalagayan ay umaakay sa magulong seksuwal na pag-uugali, prostitusyon at paghihiwalay o diborsyo.

1) Kung ang babae ay baog at ang kanyang asawa ay gustong magkaroon ng mga anak, kailangan ba niyang hiwalayan ang babae at mag-asawa ng pangalawang asawa? O, kung gugustuhin pa rin niyang manatiling kasal sa kanyang asawa, kailangan pa ba sa lalaki na kumuha ng pangalawang asawa at bigyan niya ang mga ito ng pantay na karapatan bilang kanyang mga legal na asawa?

2) Kung ang asawang babae ay may malubhang karamdaman at hindi niya mapangalagaan o maibigay ang kasiyahan na hanap ng kanyang asawa, kailangan bang manatili at kumuha ng pangalawang asawa na doon siya ay mananatiling ganap na nirerespeto, inaaruga at tinutustusan ng kanyang asawang? O kailangan ba siyang hiwalayan?

3) Ang ibang mga lalaki ay tunay na mayaman at mapaghanap ng kanilang karapatan sa babae bilang lalaki (sexually demanding). At ang isang babae ay hindi kayang ibigay ang legal at likas na kasiyahan na hangad ng lalaki. Kung ang buwanang regla o ang panahon pagkatapos manganak ay mas matagal kaysa sa karaniwang araw, o kaya kung hindi niya makayanang pantayan ang likas na pagnanasa ng kanyang asawa sa ibang sitwasyon, ano ang nararapat gawin o mas mabuti para sa mag-asawa sa ganitong kalagayan? Mas mabuti ba para sa lalaki na manatiling bigo at dismayado o maghanap ng bawal na pakikipagtalik sa labas ng pag-aasawa? O magkaroon ng ibang asawang babae upang makatulong sa kanya para mapanatili ang pagiging malinis o dalisay at kuntento.

4) Sa maraming dako ng mundo, pandaigdigan at pambayang digmaan at ibang trahedya o kalamidad ang palaging nabibiktima ay higit na nakakarami ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Likas na totoo, na ang bilang ng mga babae, sa maraming kadahilanan, ay kadalasang sila ay mas marami kaysa sa mga lalaki sa karamihan ng bansa. Ang magandang halimbawa ay ang una at ang pangalawang digmaan pandaigdig na pumatay ng napakaraming kalalakihan na sumali sa labanan, iniulat na mayroong sampung milyon ang nasawi dito. Sa ibang dakong maligalig, ang di-proporsyonadong relasyon ng mga namatay ay pareho. Sa gayong kaso, kung ang bawat lalaki ay magkaroon lamang ng isang asawa, ano ang kahihinatnan ng mga kababaihan na hindi makapag-asawa upang matutugunan ang mga sariling pangangailangan, pananalapi, at sekswal na pangangailangan? Mayroong sa mga babae ang maaaring maakit para mabigyang kasiyahan ang sarili at gumawa ng labag sa batas katulad ng pangangalunya, pakikiapid, o pakikipagtalik sa kapwa babae, prostitusyon, at mga ibang sanhi na nakakasira sa anumang lipunan. Sa pagdami ng mga babae na walang asawa o kamag-anak na lalaki na mag-aalaga at mag-aaruga para sa kanilang kaligtasan ay isang sanhi ng pagkalat ng katiwalian o kasalanang moral na gawain sa lipunan. Ano ang mabuti para sa lipunan at para sa mga babae sa kasong ito: ang manatiling walang asawa at magdusa sa lahat ng pasubali ng buhay ng walang kasal; o tanggapin na maging pangalawang asawang babae ng isang lalaki na may matapat, mapagkalinga, marangal at malinis na lalaki?

Ang magulong poligamya ng walang pinipili sa kasamaang palad ay nananatili sa lahat ng makabagong lipunan, subalit dapat ba itong maging legal o ipagwawalang bahala, katulad sa kaso ng batas na ginawa ng tao, kahit na anong kinalabasan sa lipunan? Sa pinakamaraming kapanahon ng mga lipunan, tanging ang kasal sa isang babae ay ginawang legal pero ang pakikipagrelasyon sa labas ng kasal ay pinahihintulutan sa lipunan bilang kapalit sa mga nabanggit na situwasyon sa itaas sa pamamagitan ng pagiging kerida, nobya, konsorte, at pagsasamang hindi kasal. Ang mga uri ng poligamyang ito ay walang halaga na tatayo sa kanyang sarili at kung hindi sila magpapakasal, ito ay tutungo sa pang-aabuso at gulo. Ito ay nangangahulugan lamang para matupad ang pagnanasa sa laman ng bawa't isa na hindi napapatawan ng kahit na anong ubligasyon sa kanino mang parte at ito ay pang-aabuso sa karapatan ng mga babae sa pangkalahatan. Ayon sa batas, walang iginigiit na pananalapi, panlipunan, o ubligasyong pang-damdamin at kung ang babae ay magdalang-tao, ito ay kanyang pansariling problema, kasama ng kanyang bastardong anak ay maiiwan na walang suporta bilang isang pamilya at kung minsan ay inaabandona sa panlipunang bahay ampunan. Ang lalaki, sa pangkalahatan, ay hindi ubligado na aaminin na ang bata ay anak niya, kaya’t hindi siya ubligadong magbigay ng sustento para sa bata. Ang pagpapalaglag ng bata (ng isang ina) ay tumataas ang bilang sa ganitong klaseng lipunan. Batay sa batas ng Islam, ang pangalawa, pangatlo, o pang-apat na asawang babae ay magtatamasa ng lahat ng karapatan at pribilihiyo gaya ng unang asawa ng walang gahiblang kawalang katarungan o di-pagrespeto sa kanya.

Ang pakikiapid, pangangalunya at lahat ng uri ng pakikipagtalik sa labas ng kasal ay ipinagbabawal sa Islam at isinagawa ng Propeta ang lahat ng kalutasan para sa pangangalaga ng pamayanan sa mga panlipunang karamdaman na kung itoy lumaganap, magbibigay lang ito ng pinsala at kasiraan sa bawat tao, pamilya, at ang pinakaimportanteng tali na nag-uugnay sa lipunan ng buong sama-sama. Ang mga sumusunod na tradisyon ay nagpapakita ng kaalaman ng Propeta (r) at pagkamatiisin para kumbinsihin ang mga malalakas na kabataan, sa maliwanag na pagkakatulad, ang walang katarungang ng dobleng pamantayan at ang kasamaan ng pagkahumaling sa bawal na pakikipagtalik at pakikiapid. Walang sinuman ang may kagustuhan na ang kanilang babaeng kamag-anak ay mapagsamantalahan, magamit at maabuso, kaya’t papaano, kung ganoon, papayagan ba niya ang kanyang sarili na pagsamantalahan ng iba?

Naisalaysay ang tunay na tradisyon na:

"Isang binata ang pumunta sa Sugo ng Allah (r) at nagsabi: 'O Sugo ng Allah, payagan ninyo ako (na may natatanging pahintulot) na gumawa ng pangangalunya (at pakikiapid)! Nag-umpisang pagsabihan siya ng mga tao ng may kagaspangan, pero ang Propeta (r) ay umupo ng malapit sa kanya at nagtanong: ‘Gusto mo ba ito para sa iyong ina?’ Sumagot siya ng: ‘Hindi', Isinusumpa ko sa Allah! Gawin sana akong sakripisyo ng Allah para sa iyo.’ Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi: 'At gayundin, ang ibang tao ay ayaw mangyari ito sa kanilang mga ina.’ Ang Sugo ng Allah (r) ay nagpatuloy: 'Gusto mo ba ito para sa iyong anak na babae? Siya ay sumagot: 'Hindi', Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi: 'At gayundin, ang ibang tao ay ayaw mangyari ito sa kanilang mga anak na babae.' At nagpatuloy: ‘Gusto mo ba ito para sa iyong mga tiyahin sa panig ng iyong ama at ina?’ Siya ay sumagot: 'Hindi'. Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi: ‘At gaya din ng mga ibang tao ay ayaw mangayari sa kanilang mga tiya sa panig ng kanilang ama at ina.’ Pagkatapos ipinatong ng Propeta (r) ang kanyang kamay sa binata at nagsabi: ‘O Allah patawarin mo ang kanyang kasalanan at dalisayin ang kanyang puso at gawin siyang malinis (panatiliing mapaglabanan ang kanyang kasalanan mula sa pakikiapid at pangangalunya.)'

(Iniulat ni Imam Ahmad at napatotohanan)

Maaaring masasabi ng sinuman na ang kinaugalian ay ginagamit na pagpapairal sa ginintuang alituntunin na sinabi ng Sugo ng Allah (r):

“Wala sa inyo ang (tunay na) mananampalataya hanggang hindi niya minamahal ang para sa kanyang kapatid nang tulad ng pagmamahal niya para sa kanyang sarili.

” (Bukhari &Muslim)

Ang poligamya sa Islamikong lipunan ay hanggang apat na asawang babae lamang, ang kasalan ay isinasagawa ng ayon sa batas at may maayos na kasunduan ng kasal, mga testigo, atbp. Nararapat lang na ang lalaki ang aako sa lahat ng mga suliraning pananalapi at pananagutan para sa kanyang mga asawa’t mga magiging anak dulot ng kanyang pagpapakasal. Lahat ng kanyang mga anak ay lehitimo na dapat lang na itaguyod at pagmalasakitan ng kanyang mga magulang dahil ito ay kanilang tungkulin at pananagutan.

Maaaring magtanong ang sinuman na kung bakit pinapayagan natin ang poligamya sa mga lalaki, at bakit ang polyandarya ay hindi pinapayagan para sa mga babae (na kung saan ay maaari silang makapag-asawa ng higit sa isang lalaki)? Ang kasagutan sa simpleng tanong na ito ay dahil sa maraming likas at pisikal na kadahilanan, na nabanggit na sa itaas, isantabi muna ito na maaaring pipiliin sa bandang huli ang mga paksang ito. Ang mga lalaki sa lahat halos ng lipunan sa buong mundo ay may katungkulan, pangingibabaw at kapangyarihan sa kanilang sambahayan dahil sa kanilang likas na talino at lakas. Kahit na, para sa argumento lamang, kung ipagwalang-bahala natin ang paniniwala na sila ay malakas at kung sakali ang babae ay may dalawa o mas maraming asawa, ang tanong ay: Sino ang may tiyak na kapangyarihan at mamumuno sa tahanan – na magkagayon ay magkakaroon ng nakakasakit na paligsahan, paninibugho, galit, at hinanakit laban sa bawa't isa sa mga lalaki na ang resulta ay malaking gulo at pagkasira ng lipunan. Higit pa rito, kung ang mga babae ay pinayagan na ikasal sa higit sa isang lalaki, sino ang dapat maging legal na ama ng bata na kanyang dinadala, at papaano malalaman kung sino ang tunay na ama na kapanipaniwala? Ano ang mangyayari sa bilang ng mga naninirahan sa lipunan pagkatapos ng isang salinlahi sa ganitong kalagayan? Dapat ba na ang mga lalaki ay mananatiling matapat sa kanilang sinumpaang kasal sa isang babae o siya ba ay maaaring maakit sa magulong pakikiapid? Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay maliwanag. Dahil sa ang babae ay maaari lamang magbuntis ng halos isa sa isang taon at maaari lamang siyang mabuntis ng isang lalaki sa isang panahon, samantalang ang lalaki ay maaaring makabuntis ng higit sa isang babae sa sunod-sunod na panahon, samakatuwid, makatuwiran at likas sa lalaki ang magkaroon ng higit sa isang asawa at ang babae ay hindi puwedeng kumuha pa ng ibang asawa.

Higit sa lahat sa poligamya, ang lalaki ay ay may tungkuling sustentuhan ang lahat ng kanyang mga asawa at anak, na magpapanatili sa lahat ng bagay na maayos, samantalang hindi ito naaakma sa usaping polyandarya (pagkakaroon ng maraming asawang lalaki), kaya't ito ay di-praktiko kahit saan mang anggulo.

Ang mga sumusunod na paglalahad ng mga ibang manunuri sa gawing Kanluran ay humiling sa poligamya at tinatanggap na ito lamang ang kalutasan ng kanilang mga suliranin na kinahaharap ng kanilang lipunan.

Si Ginoong Gustave Le Bon, ang bantog na manunuring taga Pranses ay nagsaad sa kanyang aklat,

'Arabic Civilization':

“Ang poligamya ay makalulutas sa mga mapanganib na sakit ng lipunan, pipigil sa magiging kerida at hahadlang sa mga magiging anak sa labas sa lipunan.”

Si Ginang Annie Besant, sa kanyang aklat na, 'Indian Religions', ay naiulat:

"Nabasa ko sa Lumang Testamento na ang pinakamalapit na kaibigan ng Allah, ay ang may pusong gumagawa sa kagustuhan ng Allah, at ang mga nag-aasawa ng higit sa isa. Higit pa rito, ang Bagong Testamento ay hindi ipinagbawal ang poligamya maliban sa mga pari at mga ministro ng simbahan, na pinagsabihan ang mga ito na kumandili ng isang asawang babae lamang. Ang mga lumang aklat na pang-relihiyon ng mga Indian ay nagpapahintulot din ng poligamya. Ganon pa man, madaling magbigay ng pamumuna ang mga taga ibang relihiyon. At ito ang dahilan kung bakit ganito ang kaisipan ng mga tao sa Islam at inaatake sa pamamgitan ng poligamya. Ganoon pa man, ang nakapagtataka na ang mga taga Kanluran ay laban sa mahigpit at limitadong poligamya ng mga Muslim, samantalang sila ay nagdurusa sa malawakang prostitusyon at kaguluhan sa kanilang sariling lipunan. Sa malapitang pagsusuri sa lipunang Kanluran ay malalantad na kakaunti lamang sa kanila ang wagas, dalisay at matapat na taong may pitagan sa kanilang malinis na pag-aasawa at may dangal sa pagpapakasal sa isang asawa at walang ibang kinakasama.

Samakatuwid, hindi tamang ipahayag sa isang bayan na ang isang lalaki ay kasal sa isang asawa lamang ngunit mayroong siyang kinakasama, nobya at iba pang relasyon sa labas ng kanyang tunay na asawa. Kung tayo ay makatuwiran at makatarungan, makikita natin na ang poligamya sa Islam ay kinakalinga, iginagalang, nililingap at nirerespeto ang mga kababaihan sa lipunan. Ang poligamya ay higit na mainam kaysa sa prostitusyon ng mga taga Kanluran na nagbibigay pahintulot sa lalaki na magkaroon ng kabit o kasintahan para sa panandaliang kaligayahan na hindi isinasaalang-alang ang damdamin, emosyon, pangangailangan at karangalan ng isang babae. Pababayaan na ng lalaki ang babae pagkatapos na makuha ang kanyang hangarin. Walang panlipunang ubligasyon ang isang lalaki hinggil sa kabit o kasintahan na nakapagbigay ng kanyang saglit na kaligayahan at pansamantalang kasama. Ipagpalagay natin na totoong hindi maganda ang poligamya at ang pakikiapid o prostitusyon ay parehong masasama at hindi tinatanggap, sa kabila noon ay hindi makatarungan para sa mga di-Muslim na pagbintangan ang mga Muslim sa mga gawaing kanilang ginagawa bagama't maluwag na tinatanggap ng kanilang lipunan.”

Si Ginoong Jawad, ang kilalang Ingles na pantas ay nagsabi:

“Ang mahigpit na pamamalakad ng Britanya na humadlang sa poligamya ay di-makatarungan at di-katanggaptangap na pamamaraan. Pinahirapan ang mga humigit kumulang na dalawang milyong kababaihan na naging matandang dalaga. Nawala ang mga kabataan ng mga babaeng ito at inalisan ng karapatang magka-anak. Ang mga babaeng ito ay napilitang ipawalang-saysay ang kahalagahan ng kagandahang asal na para bang ipinawalang kahulugan ang panahon.”

Si Ginoong Mobenar, kasapi ng dating Batasan ng Pransiya ay naglahad:

“May mga dalawa at kalahating milyong babaeng Pransiya na ngayon ay hindi na makahanap ng asawa, kaya't kung ipagpalagay natin na ang bawa’t lalaking Pransiya ay mag-aasawa lang ng isa, tahasan kong ipapahayag kung ano ang tunay kong paniniwala na ang babae ay hindi magiging maligaya sa buhay hanggat hindi siya magiging ina. Naniniwala ako na kahit anong batas ang ang magpapasiya sa ganiyang karaming miyembro ng lipunan na namumuhay at pinipigil, hinahadlangan at hindi inaasikaso ang pagpapatupad sa likas na batas ng tao sa mundo, ito ay matatawag na mabalasik at malupit ang batas na sinasalungat ang pianaka- simpleng kahulugan ng katarungan at pagkapantay-pantay."

Noong taong 1959, ang 'United Nations' ay naglathala ng natatanging lathalain na naglarawan:

Ang lathalaing ito ay pinatutunayan ng marami at ng mga estatistika na ang buong mundo sa ngayon ay nahaharap sa malaking suliranin ng mga batang anak sa labas (ilehitimo), ang pagkakaroon ng labag sa batas na mga anak. Ang mga bilang ng mga anak sa labas ay nadagdagan ng 60% sa mga ibang bansa. Sa Panama, halimbawa, ang porsiyento ng mga batang anak sa labas ay umabot hanggang 75% ng mga batang ipinanganak sa bansang iyon. Ang ibig sabihin, tatlo sa bawat apat na mga bata ay anak sa labas o ipinanganak ng ina na hindi kasal. Ang pinakamataas na porsiyento ng mga anak sa labas ay nailathala sa Latin America.”

Samantalang ang mga lathalain ay nagpapatunay at nagpapakita na ang bilang ng mga anak sa labas sa mga bansang Islamiko ay wala kung ihahambing sa mga ibang bansa. Ang patnugot ng lathalain ay nagpatuloy ng paglalahad na sinasabing, "ang mga bansang Islamiko ay may pag-sanggalang sa ganitong uri ng sakit ng lipunan at ito ay ang tunay na pagpapahintulot sa mga tao ng poligamya."